BPATs Training, isinakatuparan ng 1st PMFC Apayao
Matagumpay na isinagawa ng Apayao 1st Provincial Mobile Force Company ang Barangay Pecekeeping Action Team (BPATs) training na pinangunahan ni PCpl Hanna Gammong sa ilalim ng pangagasiwa ni Police Lieutenant Colonel Darwin Clark A Domocmat, Force Commander nito lamang Enero 7, 2024.
Lumahok ang 39 miyembro ng mga opisyal ng barangay at mga barangay tanod ng Apayao sa isinagawang BPAT’s training kung saan nag-lecture ang mga kasapi ng Apayao 1st PMFC tungkol sa mga diskarte sa pag-aresto, pagtatanggol sa sarili gamit ang handcuffs.
Bukod pa rito, tinalakay din ang kanilang mga tungkulin at responsibilidad ng local executive sa pagkamit ng ang mga layunin ng NTF-ELCAC at sa pag-iwas at solusyon sa krimen.