BPATs nakiisa sa Clean-up Drive sa Mariveles, Bataan

Nakipagtulungan ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa isinagawang Coastal Clean-up Drive sa Baragay Cabcaben, Mariveles, Bataan nito lamang Sabado, ika-13 ng Enero 2023.

Kasama sa aktibidad ang mga tauhan ng Bataan 2nd Provincial Mobile Force Company, at mga opisyal ng barangay.

Tulong-tulong sa paglilinis ng dalampasigan kung saan pinulot ang mga plastik na nakakalat sa lugar.

Ang aktibidad ay naglalayong mapanatili ang kalinisan ng karagatan upang lalong umangat ang turismo ng probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *