BPATs, naki-isa sa Refresher Training sa Tabuk City

Nakiisa ang mga miyebro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa isinagwang Refresher Training na ginanap sa Lanna Barangay Hall, Tabuk City nito lamang ika-11 ng Enero 2024.

Ang isang araw na aktibidad ay pinasimulan ng mga tauhan ng Tabuk City Police Station kung saan aktibong nakilahok ang mga miyembro ng BPATs at mga opisyal ng barangay.

Tinalakay ng mga resource speaker ang mga paksa hinggil sa mga konsepto ng BPATs at BADAC, Anti Violence Against Women and their Children, at kampanya laban sa ilegal na droga.

Bukod pa rito, nagsagawa din ng aktwal na demonstrasyon at pagsasanay sa basic arnis, handcuffing, at mga pamamaraan sa pag-aresto.

Samantala, labis nman ang pasasalamat ng mga myembro ng BPATs sa isinagawang aktibidad kung saan mas lalong nahasa at nadagdagan ang kanilang mga kaalaman at kasanayan.

Layunin ng nasabing aktibidad na palakasin at palawakin ang pwersa ng seguridad ng bawat mamamayan sa tulong ng mga BPATs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *