Pamamahagi ng libreng loaf bread, idinaos Sa Sta. Ana, Pampanga

Idinaos ang pamamahagi ng libreng loaf bread mula sa Gardenia Philippines para sa mga mamamayan ng Brgy. San Bartolome, Sta, Ana, Pampanga nito lamang Linggo, ika-14 ng Enero 2024.

Katulong sa pamimigay ang mga tauhan ng Sta. Ana Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Fernando Manalastas, Chief of Police.

Namahagi ng mga loaf bread na labis na ikinasaya ng mga mamamayan dahil sa patuloy na pagtutulungan ng mga stakeholders at pulisya sa paghahatid ng tulong sa mga mamamayan lalo na sa mga lubos na nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *