BPATs, nakiisa sa Community Clean-Up Drive sa Dingalan, Aurora

Nakipagtulungan ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) kasama ang mga opisyal ng barangay sa isinagawang Clean-Up Drive sa Barangay Poblacion, Dingalan, Aurora nito lamang Sabado, ika-27 ng Enero 2024.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Dingalan, Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Emilio I Dela Torre Jr., Officer -In-Charge.

Nagkaisa ang bawat indibidwal sa paglilinis upang maipakita ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malinis na kapaligiran at sanayin ang mga residente sa tamang pagtatapon ng mga basura.

Layunin nito na maipakita sa mga komunidad ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *