BPATs, sumailalim sa pagsasanay sa Paniqui, Tarlac

Sumailalim sa pagsasanay ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team sa Barangay Poblacion Sur, Paniqui, Tarlac nito lamang Huwebes, ika-26 ng Enero 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Paniqui Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Joefrey Nool, Deputy Chief of Police.

Kaugnay nito, nagbahagi ng kaalaman ang naturang grupo patungkol sa Basic Arnis Techniques na nilahukan ng mga miyembro ng BPATs at mga opisyales ng nasabing barangay.

Layunin ng aktibidad na mapalakas at para patatagin ang ugnayan ng bawat isa upang magtulungan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *