15 Sangguniang Kabataan Treasurers, lumhok sa Basic Bookkeeping Course
Lumahok ang 15 treasurers ng Sangguniang Kabataan ng Basic Bookkeeping Course sa Bontoc, Mountain Province nito lamng ika-28 ng Enero 2024.
Ang nasabing aktibidad ay pinangasiwaan ng Bontoc Local Government Unit (LGU) sa pamamagitan ng Public Employment Service Office at Local Youth and Development Office. Kabilang sa mga paksang tinalakay ay Journalizing Transactions at Basic Financial Statements na sumasaklaw sa Understanding Journal Entries and the Double-Entry System, Practice Exercises for Journalizing Transactions, Creating a Chart of Accounts for Accrual Accounting, Recording Accruals and Deferrals in Journals, Introduction to the Income Statement; Advanced Journal Entries, Financial Statement Analysis kung saan nabibilang ang Advanced Journal Entries for Complex Transactions, Creating Balance Sheet Entries, Completing the Income Statement at Balance Sheet, Overview of Cash Flow Statement, at Analyzing Financial Statements with a Focus on Journalized Transactions. Idinagdag din ang Training Induction Program (TIP) sa pamamagitan ng Technical Education and Skills Development Authority Online Program.
Sa mensahe ni Jerome “Chagsen” Tudlong Jr, Mayor ng Bontoc, Mountain Province ay kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng pagbibigay sa mga kalahok ng mahahalagang kasanayan upang epektibong magampanan ang kanilang mga tungkulin para sa kapakanan ng komunidad.
“Ang pagbibigay sa ating mga kabataan ng mahahalagang kasanayan ay nagsisiguro sa kanilang responsableng pamamahala sa mga pondo ng pamahalaan nang sa gayon ay mapakinabangan ang mga benepisyo para sa mga kabataan ng Bontoc.”dagdag pa nito.