Barangay at Kalinisan Day “BARKADA” Clean-up Drive isinagawa sa Bagumbayan, Sultan Kudarat
Pagkakaisa at pagtutulungan ang naging sentro ng isinagawang paglilinis ng komunidad o clean-up drive sa Bagumbayan, Sultan Kudarat na pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Bagumbayan nitong buwan ng Enero 2024.
Nilahukan ang Barangay at Kalinisan Day “BARKADA” ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan gaya ng LGU Bagumbayan, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, kawani ng bawat Barangay at 4p’s Beneficiaries.
Ang clean-up drive ay isinasagawa sa bawat barangay ng Bagumbayan na ang layunin ay ipakita na seryoso ang pamahalaan na mapanatiling malinis ang mga kapaligiran pati na rin ang hangaring nilalahanghap partikular sa mga pook na kadalasang pinupuntahan ng mga tao.
Ito ay naglalayon ding mapaangat ang kamalayan ng bawat tao upang mapangalagaan ang kapaligiran at hikayatin ang mga mamamayan na iwasang magtapon ng anumang uri ng basura kahit saan.