Advocacy Support Group, nakiisa sa Dayalogo/Lecture ng Balayan PNP
Nakiisa ang Advocacy Support Group (ASG) sa isinagawang dayalogo ng Balayan Municipal Police Station sa Brgy. District 10, Balayan, Batangas nito lamang Sabado, Pebrero 3, 2024.
Ang aktibidad ay pinangunuhan ni Patrolwoman Tess Catibog, sa direktang pangangasiwa ni Police Major Domingo Deinla Ballesteros Jr, Acting Chief ng Balayan Municipal Police Station kasama ang Barangay Based Advocacy Support Group (ASG).
Tinalakay ang patungkol sa R.A. 9262 (Violence Against Women and their Children, (VAWC), R.A. 8353 (Anti-RAPE Law of 1997), R.A. 11313 (Safe Spaces Act), R.A. 7610 (Child Abuse), 8 Focus Crime, National Task Force to End Local Communist Armed Conflict NTF-ELCAC or E.O #70.
Layunin nitong mapanatili ang kanilang kaligtasan sa nasabing barangay at madagdagan ang kaalaman sa mga batas, krimen, karapatan at insurhensya para maiwasan g maging biktima nito at mapanatili ang kaligtasan, kaayusan at kapayapaan sa komunidad.
Source: Balayan Wcpd E-Reklamo/ Balayan Mps