Advocacy Support Group and Force Multipliers, nakiisa sa Bloodletting Activity sa South Cotabato

Nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group and Force Multipliers sa isinagawang Bloodletting Activity ng South Cotabato Integrated Provincial Health Office sa South Cotabato Police Provincial Office Covered Court, Barangay Morales, Koronadal City, South Cotabato nito lamang Pebrero 7, 2024.

Kasama sa aktibidad ang mga kawani ng South Cotabato Police Provincial Office, Non-Government Organization, Kaduh Masonic Lodge Fraternity at iba pang stakeholders.

Samantala, dumaan naman sa iba’t ibang screening ang donors upang masiguro ang kanilang kaligtasan at kalusugan, gayundin ang mga benepisyaryo ng nalikom na dugo.

Tiniyak naman ng mga lingkod bayan na patuloy na maghahatid ng serbisyo publiko katuwang ang mga iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, alinsunod na rin sa programa ng gobyerno na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na naglalayong mapagaan ang kalagayan ng ating mga kababayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *