Advocacy Support Group, nakiisa sa Civic Action sa Northern Samar

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa isinagawang Civic Action (Civac) na ginanap sa Barangay Bagacay, Palapag, Northern Samar nito lamang ika-6 ng Pebrero 2024.

Ang aktibidad ay inisyatibo ng mga tauhan ng Revitalized-Pulis Sa Barangay (R-PSB) Team Bagacay ng Northern Samar Provincial Police Office.

Layunin ng pagkakaisa ng naturang grupo ang matugunan ang pangunahing problema ng Barangay Bagacay na nais magkaroon ng maayos na kalsada na kanilang tanging paraan ng transportasyon para sa kanilang mga lokal na ani at papunta sa mga paaralan.

Higit sa lahat, umaasa sila na maisakatuparan na maging konkreto ang kanilang kalsada sa tulong ng mga kapulisan at pagsuporta ng gobyerno.

Ang pagkamit ng isang maunlad na bayan ay nakasalalay sa pagkakaisa ng iba’t ibang sektor ng lipunan at pagtutulungan na maiangat ang buhay ng bawat mamamayang Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *