Force Multipliers, nakiisa sa Coastal Clean-up Drive

Nakiisa ang mga miyembro ng Force Multipliers sa Coastal Clean-up Drive na isinagawa sa Barangay Calmante, Tudela, Cebu noong ika-10 ng Pebrero 2024.

Katuwang ng grupo ang Tudela Municipal Police Station, mga kawani ng Lokal na Pamahalaan, Sangguniang Kabataan Officials at Alpha Kappa Rho International Fraternity and Sorority (AKHRO).

Ang aktibidad na isinagawa ng grupo ay nagpapakita ng dedikasyon ng bawat isa sa pangangalaga ng ating kalikasan at pagpapalaganap ng kamalayan sa pagsasaayos ng kapaligiran.

Ang programa ay alinsunod sa paglulunsad ng kalinisan sa Bagong Pilipinas Program (Kalinga at Inisyatibo para sa Malinis na Bayan).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *