Mahigit 500 narra seedlings, itinanim
Nasa mahigit 500 narra seedlings ang naitanim ng iba’t ibang sektor ng gobyerno at force multipliers sa isinagawang Tree Planting Activity sa Barangay Uson, Sitio San Agustin, Caibiran, Biliran nito lamang Pebrero 12, 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Provincial Environment and Natural Resources Office at Alpha and Omega katuwang ang Biliran Provincial Mobile Force Company, Caibiran Municipal Police Station, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Philippine Army, Department of Education, Liga ng Barangay at Criminology Interns.
Ang aktibidad ay isinagawa kaugnay sa pagdiriwang ng Adlaw Han Ibid (Integrated Bayanihan, Inisyatiba, Disiplina).
Ang National Greening Program ng gobyerno ay isang napakalaking inisyatibo sa rehabilitasyon ng kagubatan sa hangarin ng sustainable development.