Coastal Clean-up, isinagawa ng KKDAT

Nanguna ang mga myembro ng KKDAT o Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa paglilinis sa dalampasigan ng Barangay Rimos, Luna, La Union nitong Huwebes, Pebrero 15, 2024.

Nagtulong-tulong ang mga kabataan na mamulot ng mga basura at iba pang non-biodegradable materials sa nasabing dalampasigan.

Nangako ang grupong KKDAT na hindi lang ito ang una’t huling clean-up drive na kanilang gagawin bilang pakikiisa sa pagpapaganda sa ating mga dagat at pagpapaangat sa turismo ng bansa tungo sa bagong Pilipinas.

Source: Luna Police Station

Panulat ni Malikhaing Tinta

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *