Force Multipliers, nakipag-date sa Inang Kalikasan

Nakiisa ang mga force multipliers sa isinagawang Tree Planting Activity na ginanap sa Barangay San Vicente, Catbalogan City, Samar nito lamang ika-14 ng Pebrero 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Honorable Lordita P Verzosa, Kapitan ng Barangay San Vicente kasama ang mga tauhan ng Provincial Environment and Natural Resources Office, Samar Police Provincial Office at mga residente ng nasabing barangay.

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa kaugnay sa pagdiriwang ng Valentine’s Day na nakatuon sa pakikipag-date sa inang kalikasan.

Sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno, makakatulong ito sa pag-iwas sa polusyon at mapanatiling maganda ang kapaligiran.

Ang aktibidad na ito ay daan upang unti-unting maitaguyod at mapatatag ang relasyon ng gobyerno at komunidad tungo sa Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *