One Life-One Earth Project, isinagawa

Kasabay sa pagdiriwang sa araw ng mga puso, nagsagawa ang mga opisyal ng Barangay Danleg at mga miyembro ng Sangguniang Kabataan ng mangrove planting activity na may temang “One Life – One Earth Project” sa Sitio Kalangayaw Barangay Danleg, Dumaran, Palawan nito lamang Pebrero 14, 2024.

Umabot sa mahigit 700 mangrove propagules ang naitanim ng nasa mahigit 200 na nakilahok sa aktibidad bilang pagpapakita ng kanilang pagmamahal sa kalikasan.

Nakiisa sa aktibidad ang mga kapulisan ng 2nd Palawan Provincial Mobile Force Company, Dumaran Municipal Police Station, Bureau of Fire Protection Dumaran, Lokal na Pamahalaan ng Dumaran, mga miyembro ng 4Ps Danleg, at mag-aaral ng Palawan State University-Dumaran.

Ang nasabing aktibidad ay pakikiisa sa hangarin ng ating gobyerno tungo sa makakalikasan at tuloy-tuloy na pag-unlad sa mga darating na taon tungo sa bagong Pilipinas.

Source: 2nd Palawan PMFC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *