Force Multipliers, nakilahok sa Community Fire Protection Plan Workshop
Aktibong nakilahok ang mga Force multipliers na kinabibilangan ng mga opisyales ng barangay, Barangay Health Workers (BHW) at Barangay Tanod sa isinagawang Oplan Ligtas na Pamayanan: Community Fire Protection Plan Workshop na ginanap sa Barangay Bagahanglad, San Jacinto, Masbate nito lamang ika-18 ng Pebrero 2024
Ang aktibidad ay inisyatibo ng Bureau of Fire Protection (BFP) katuwang ang 2nd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 5.
Kabilang sa nasabing aktibidad ang pagkakaroon ng talakayan sa mga paksang pangkaligtasan na maaaring magamit sa panahon ng mga kalamidad, katulad ng mga tamang hakbang o mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng isang kalamidad, mga ligtas na lugar kung saan pwedeng magtungo, at kung paano makipag-ugnayan sa mga kinauukulan para sa tulong at suporta na kinakailangan.
Ang nasabaing aktibidad ay naglalayong magbigay ng kasanayan sa mga miyembro ng Force Multipliers upang magkaroon sila ng mga kaalaman at kakayahan sa pagganap ng kanilang tungkulin upang mas mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng bawat miyembro ng komunidad.
Source: 2nd Maneuver Company of RMFB5
Panulat ni Brian