Community Outreach Program, isinagawa
Maayos na naisakatuparan ang pagsasagawa ng Community Outreach Program na ginanap sa Child Development Center ng Barangay Turod, Reina Mercedes, Isabela noong Pebrero 20, 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Reina Mercedes, Reina Mercedes PNP at Advocacy Support Group at Force Multipliers ng nasabing bayan.
Sa naturang aktibidad ay ibinahagi sa mga kalahok na binubuo ng mga magulang at tagapamahala ng nasabing barangay ang mga paksa hinggil sa Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and their Children Acts of 2004, RA 8353 o ang Anti-Rape Law of 1997, at RA 11479 o ang Anti-Terrorism Act of 2020.
Nagkaroon din ng feeding program para sa mga mahihirap na mag-aaral ng Child Development Center upang sa ganun ay makakain ng sapat at masustansyang pagkain na magbibigay lakas sa kanilang pag-aaral at pang-araw-araw na gawain.
Ang pagsasagawa ng ganitong mga programa ay makakatulong na maibahagi sa ating mga kababayan ang tamang kaalaman hinggil sa mga batas na magpoprotekta sa kanila at maunawan ang kanilang mga karapatan bilang bahagi ng ating lipunan.
Source: Reina Mercedes PS Ippo
Panulat ni Desiree