Coastal Clean-Up Drive, isinagawa sa Aborlan, Palawan

Pinangunahan ng mga opisyales ng Barangay San Juan ang isinagawang coastal clean-up drive sa Sitio Marikit Barangay San Juan, Aborlan, Palawan nito lamang Pebrero 20, 2024.

Katuwang sa aktibidad ang mga grupo ng Kababaihan, Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDA), at mga tauhan ng Aborlan Municipal Police Station.

Ang nasabing aktibidad ay alinsunod sa “Kalinga at Inisyatibo para sa Malinis na Bayan” ni Pangulong Ferdinand R Marcos, Jr. na naglalayong muling buhayin ang bayanihan sa mga mamamayan sa pagsugpo sa solid waste upang maprotektahan at mapanatiling malinis ang kapaligiran.

Source: Aborlan MPS PCR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *