Force Multipliers, nakiisa sa pamamahagi ng Welfare Assistance

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Force Multipliers sa pamamahagi ng relief at welfare assistance para sa mga Peacebuilders na ginanap sa Northern Samar Police Provincial Office, Tambayan Hall Catarman Northern Samar nitong Pebrero 20, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Ms. Imelda Bonifacio, Regional Program Manager ng Office of Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) katuwang ang Northern Samar Police Provincial Office at 803rd Brigade ng Philippine Army.

Umabot sa 52 na benepisyaryo ang nakatanggap ng relief at welfare assistance sa nasabing aktibidad.

Ang aktibidad ay pagsasakatuparan ng kanilang pagnanais na makabalik sa kanilang mga pamilya, mamuhay ng mapayapa, talikuran ang walang direksyon na pakikibaka at maging katuwang ng pamahalaan sa pagpapatuloy ng pagsulong ng kapayapaan at kaularan.

Source: https://www.facebook.com/northsamarpnp/posts/pfbid02cNbtKb8pPnVCJzR2WdVGjCi8WRiHXdQZazWQrp1ywv4zuxALh7YiAdeUy52knBrDl

Panulat ni Christine

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *