Medical and Dental Mission, isinagawa ng Advocacy Support Group
Nagsagawa ng Medical at Dental Mission ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa Barangay Guadalupe, Libacao, Aklan nito lamang Pebrero 20, 2024.
Matagumpay na naidaos ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng mga tauhan ng 1st Aklan Provincial Mobile Force Company, Libacao Municipal Police Station, Local Government Unit ng Libacao, Barangay Officials, Barangay Health Worker, guro at kawani ng Guadalupe Elementary School, United Christian Fellowship ng Tucson, Arizona, at Libacao Baptist Church.
Kabilang sa mga serbisyong hatid sa naturang aktibidad ay ang libreng konsultasyon, pamamahagi ng libreng gamot, libreng gupit na sinundan ng maikling palaro para sa mga bata ng nasabing lugar.
Ang pamahalaan at iba pang sektor ng lipunan ay tuloy-tuloy sa pagsasagawa ng mga proyekto at aktibidad na tutulong sa mamamayang Pilipino na maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay at ibigay ang nararapat na serbisyo sa bawat isa tungo sa bagong Pilipinas
Source: 1st Aklan PMFC
Panulat ni Julius