Outreach Program, isinagawa sa Virac, Catanduanes

Naisakatuparan ang Outreach Program na pinangunahan ng Members Church of God International (MCGI) katuwang ang Catanduanes Police Provincial Office sa Virac, Catanduanes noong Pebrero 19, 2024.

Parte ng nasabing aktibidad ang pagsasagawa ng feeding activity, pamamahagi ng 30 Solar Street Lamps, wheelchair, walking cane, nebulizers at food grocery packs sa mga naging benepisyaryo.

Ang Members Church of God International (MCGI) ay naglagda ng kasunduan sa Catanduanes Police Provincial Office na sila ay magiging katuwang ng pulisya sa pagsasagawa ng aktibidad na makakatulong sa ating mga kababayan na lubos na nangangailangan.

Ang pakikiisa ng iba’t ibang organisasyon sa mga adhikain ng ating pamahalaan upang mapabuti ang kabuhayan ng ating mamamayan ay malaking tulong sa pagsulong ng ating bansa tungo sa bagong Pilipinas.

Source: Catanduanes PNP

Panulat ni Sharen

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *