Barangay-Based Support Group nakiisa sa Clean-Up Drive
Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Barangay-Based Support Group sa isinagawang clean-up drive sa New Lower Bicutan, Taguig City nito lamang umaga ng Martes, ika-20 ng Pebrero 2024.
Tumulong sa paglilinis ang mga tauhan mula sa 7th Mobile Force Company ng RMFB kasama ang Task Force Flood Control ng nasabing Lokal na pamahalaan sa ilalim ng pangangasiwa ni Mrs. Judith Lumandog.
Magtulong-tulong ang grupo sa paglilinis ng mga kanal na nagbabarado sa lugar at hinakot ang mga basurang nakatambak sa kanal.
Ito rin ay kaugnay sa paglulunsad ng programang KALINISAN (Kalinga at Inisyatibo para sa Malinis na Bayan) ng DILG na naglalayong pagsama-samahin ang mga pagsisikap ng pamahalaan na mapanatili at makapagbigay ng malusog at ligtas na kapaligiran para sa lahat sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga yunit ng Lokal na Pamahalaan.
Hangad ng programa na ilihis ang atensyon ng bawat indibidwal mula sa mga aktibidad na kontra-gobyerno sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga alternatibong outlet para sa civic engagement, tulad ng mga pagkakataong magboluntaryo sa iba’t ibang aktibidad ng gobyerno.