PNP, BFP, at Philippine Army, nagkaisa para sa ‘Ugnayan sa Barangay’ sa La Castellana, Negros Occidental

0
viber_image_2025-07-11_14-03-41-594

Matagumpay na naipatupad ang “Ugnayan sa Barangay”, kung saan aktibong nakiisa ang komunidad at kapulisan mula sa La Castellana Municipal Police Station, sa pangunguna ni PMAJ Rhojn Darell H Nigos bilang bahagi ng Retooled Community Support Program (RCSP), sa La Castellana National High School – Senior High Department at sa Municipal Evacuation Center nito lamang ika-9 ng Hulyo 2025.

Bukod sa PNP, nakiisa rin ang Department of the Interior and Local Government, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection, at Armed Forces of the Philippines, partikular ang Philippine Army, na siyang nagbibigay ng suporta sa seguridad at mahahalagang impormasyon hinggil sa disaster preparedness at community development.

Ang BFP ay nagbigay naman ng demo at payo sa kaligtasan laban sa sunog at agarang tugon sa sakuna habang ang Philippine Army naman ay tumulong sa pagtiyak ng kalinisan at seguridad sa paligid habang nagpapatuloy ang serye ng community dialogues.

Layunin ng programa na palalimin ang ugnayan at pagtitiwala ng komunidad sa pamahalaan, lalo na sa mga liblib at mga marginalized barangay, sa pamamagitan ng direktang dayalogo at pagbibigay ng agarang serbisyo, alinsunod sa patakarang Whole-of-Nation Approach ni EO 70.

Ang aktibong papel ng mga nanguna sa nasabing aktibidad ay nagpapatunay ng matibay na inter-agency cooperation sa pagpapaigting ng kapayapaan, kaunlaran, at serbisyo sa lokal na antas.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng PNP, BFP, AFP, DILG, BJMP lalo na ng komunidad ay nagkaroon ng mas malalim at inklusibong mga programa ang pamahalaan, kung saan ang mga hinihingi at problema ng mga mamamayan ay natutugunan agad sa tulong ng nagkakaisang layunin.

Ang nabanggit na inisyatiba ay patunay ng pangmatagalang hangarin ng gobyerno na gawing kaagapay ang bawat Pilipino tungo sa mas ligtas at magandang kinabukasan.

Source: LA CASTELLANA MPS FB PAGE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *