BPATs sa Calasiao, sumailalim sa pagsasanay

Sumailalim sa pagsasanay ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa Calasiao Sports Complex, Poblacion West, Calasiao, Pangasinan nitong Martes, Pebrero 20, 2024.

Ang aktibidad ay nilahukan ng 50 na miyembro ng BPATs sa tulong ng Calasiao Municipal Police Station.

Sinanay ang mga kalahok sa tamang paraan ng pag-aresto at handcuffing techniques na kanilang magagamit sa kanilang tungkulin bilang kaisa ng mga otoridad sa pagsisiguro sa kaligtasan at katahimikan ng kanilang nasasakupan.

Ito ay patunay lamang na ang iba’t ibang organisasyon at grupo ay handang tumulong upang mapanatili ang kaayusan, katahimikan, at kaligtasan ng ating mamamayan bilang pagtugon sa hangarin ng ating bansa tungo sa bagong Pilipinas.

Source: Calasiao Municipal Police Station, Pangasinan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *