Tulong pinansyal, handog ng Maasim LGU sa 74 na dating rebelde

Umabot sa 74 na dating rebelde ang nakatanggap ng cash assistance mula sa lokal na pamahalaan ng Maasim na ginanap sa Brgy. Kabatiol, Maasim, Sarangani Province nito lamang Pebrero 20, 2024.
Ang pamamahagi ng nasabing cash assistance ay pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Maasim katuwang ang Maasim Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Major Herman Luna, Chief of Police.
Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng kasalukuyang administrasyon ni Mayor Zyrex C. Pacquiao na tulungan sa muling pagbabalik-loob ng mga dating rebelde sa lipunan alinsunod sa programa ng pamahalaan na Whole-of-the-Nation Approach.
Panulat ni Toleme

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *