Bloodletting Activity isinagawa ng LGU ng San Juan City

Isang makabuluhang araw para sa mga Local Government Unit ng San Juan City ang kanilang isinagawang Bloodletting Activity sa San Juan City Hall Atrium, Barangay Corazon de Jesus, San Juan City nito lamang Sabado, Marso 23, 2024.

Ang 1st Quarter ng San Juan Health Department Bloodletting Activity na may temang “Dugo ng San Juañeno” para sa San Juañeno” ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Cardinal Santos Medical Center.

Ito ay nilahukan ng mga empleyado ng San Juan City Local Government Unit, mga miyembro ng Philippine Coast Guard, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, at iba pang mga indibidwal na residente ng lungsod.

Layunin nitong bumuo ng kamalayan sa publiko sa pagbibigay ng kalidad at ligtas na dugo, parangalan at kilalanin ang mga donor ng dugo, at hikayatin ang iba pa na ibahagi ang kanilang dugo upang makapagbigay ng tulong sa ating mga kababayang nangangailangan nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *