BPATs, sumailalim sa Skills Enhancement Training

Sumailalim ang mga miyembro ng Barangay Peace Action Teams (BPATs) sa isinagawang Skills Enhancement Training na ginanap sa Barangay Burgos, Batuan, Masbate nito lamang ika-1 ng Abril 2024.

Tinalakay ng mga tagapagsanay na kapulisan mula sa Batuan PNP ang tamang pamamaraan ng pag-aresto, handcuffing, self-defense at pagtugon sa anumang sakuna at kalamidad sa kanilang nasasakupan.

Bukod dito, tinalakay din sa nasabing aktibidad ang adbokasiya ng PNP para sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga mamamayan.

Ang nasabing aktibidad ay naglalayong magbigay ng kasanayan sa mga miyembro ng Force Multipliers upang magkaroon sila ng mga kaalaman na magiging kapaki-pakinabang sa kanilang tungkulin bilang katuwang ng pulisya sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng komunidad.

Photos Credit/Source: Batuan PNP Masbate

Panulat ni Brian

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *