Historical Tour Site nilahukan ng KKDAT San Juan Chapter

Makabuluhang araw para sa mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terrorismo o KKDAT San Juan Chapter ang isinagawang Historical Tour Site sa Museo El Deposito at Museo ng Katipunan, Pinaglabanan Shrine, sa Barangay Corazon de Jesus, San Juan City nito lamang umaga ng Martes, Abril 9, 2024.

Naisagawa ang aktibidad na ito sa pangunguna ng Station Community Affairs and Development Section ng San Juan City Police Station kasama ang PNP San Juan Bikers at ni KKDAT Vice President Patrick Andre Lara.

Ito ay kaugnay sa selebrasyon ng ika-82 taon ng Araw ng Kagitingan 2024 na may temang: “Pagpaparangal sa Kagitingan ng mga Beterano: Saligan para sa Nagkakaisang Filipino.”

Layunin nitong ipaalam sa mga kabataan sa paggunita ng mga sakripisyo at kagitingan ng ating mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa minimithing kalayaan mula sa mga mananakop.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *