Force Multipliers, nakiisa sa pagpapatayo ng Solar Lights

Nakiisa ang miyembro ng Force Multipliers sa pagpapatayo ng Solar Lights sa Barangay Pagsang-an, San Roque, Northern Samar nito lamang Abril 8, 2024.

Ang aktibidad ay inisyatibo ng mga tauhan ng R-PSB Team Pagsang-an sa pangunguna ni Police Captain Roy O Agbon, Security Team Leader, sa pangangasiwa ni Police Colonel Sonnie B Omengan, Provincial Director ng Northern Samar Police Provincial Office.

Ang aktibidad ay isinagawa upang magbigay ng mas maliwanag at mas ligtas na kalsada para sa mga residente, pati na rin bilang isang paraan ng pag-iingat upang maiwasan ang anumang aksidente at anumang hindi inaasahang krimen dahil sa mga madidilim na lugar.

Layunin ng aktibidad na maipadama sa mga mamamayan ang pagmamahal at pagmamalasakit ng gobyerno sa komunidad sa anumang oras ng pangangailangan para sa Bagong Pilipinas.

Panulat ni Camberleigh

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *