Libreng Serbisyo Program hatid ng Advocacy Support Group

Nagsagawa ng Medical, Surgical Mission at Outreach Program ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa Sitio Sibato, Barangay Guimbalaon, Silay City nito lamang ika-5 ng Abril 2024.

Ang aktibidad ay inisyatibo ng National Commission on Indigenous People at Provincial Health Office, Negros Occidental katuwang ang 1st Negros Occidental Provincial Mobile Force Company, Advisory Group ng 1st NOCPMFC at iba pang volunteers.

Ginanap sa aktibidad ang libreng tuli, libreng medikal at dental check-up pamamahagi ng libreng gamot, food packs at iba pang mga serbisyo.

Patuloy ang grupo sa mga ganitong aktibidad upang matulungan ang mga kababayan natin na lubos na nangangailangan at maipadama ang pagmamalasakit ng pamahalaan sa ating mamamayan.    

Source: 1st NOCPMFC

Panulat ni Julius Sam Accad

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *