Community Outreach Program nilahukan ng Barangay-Based Support Group

Bilang bahagi ng Community Outreach Program, masayang nilahukan ng mga miyembro ng Barangay-Based Support Group ang aktibidad na ginanap sa Barangay Catmon, Malabon City nito lamang Lunes, Abril 15, 2024.

Naisakatuparan ang programa sa pakikipagtulungan ng grupong JTF-NCR, R-PSB at Malabon City Police Station.

Namahagi ng libreng pagkain ang grupo sa mga residente ng lugar na lubos namang ikinatuwa ng mga tao dahil napaabutan sila ng tulong mula sa ating pamahalaan.

Ang aktibidad na ito ay nagpapatunay na ang pulisya kasama ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno at Advocacy Support Groups ay nagkakaisa upang maipadama sa ating mga kababayan ang malasakit at pagmamahal, para sa kapakanan ng karamihan tungo sa isang maunlad, masagana at mapayapang Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *