Advocacy Support Group, nakilahok sa Coastal Clean-up

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa isinagawang coastal clean-up drive sa Barangay Apgahan, Patnongon, Antique nito lamang ika-13 ng Abril 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government kasama ang Patnongon MPS, Provincial Government, LGU Patnongon, BFP, MENRO, BingBong Farmers, 4Ps, Barangay Officials at mga residente ng nasabing lugar.   

Mahigit sa dalawampung sako ng basura ang nalikom ng mga kalahok sa naturang baybayin na nagdudulot ng polusyon sa tubig gayundin ay nakakaapekto rin sa kalusugan ng mga residente sa lugar.

Layunin ng grupo na panatilihing malinis at kaaya-aya sa mata ang ating karagatan na isa sa mga dinadayo ng mga turista na isa sa nagpapaunlad sa ating bansa.

Source: Patnongon MPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *