Water Training Safety isinagawa sa 45 miyembro ng Boy Scout of the Philippines
Matagumpay na nakapagsanay ang 45 miyembro ng Boy Scout of the Philippines (BSP) – Talisayan, District ng Water Safety Training sa Barangay Calamcam, Talisayan, Misamis Oriental nito lamang ika-14 ng Abril 2024.
Ang naturang pagsasanay ay pinangunahan ng Maritime Police Station – Misamis Oriental katuwang ang HRMU 10 at Savior of the Sea.
Itinuro sa naturang pagsasanay ang swimming proficiency demonstrations, lectures at ang mga lifesaving techniques.
Layunin ng pagsasanay na mapataas ang kaalaman ng mga kabataan sa kahalagahan ng pagiging handa sa water search, rescue, at recovery operations.
Ang matagumpay na pagsasanay na ito ay naglalayon na madagdagan ang kaalaman ng bawat kabataan na nakilahok na malaman ang tamang gagawin sa anumang kalamidad at magiging kasangga ng kapulisan sa paghahatid ng serbisyo publiko.