Advocacy Support Group at Force Multipliers, nakiisa sa Community Outreach Program
Nakiisa ang mga Advocacy Support Group at Force Multipliers kasama kapulisan ng Community Outreach Program sa Alfredo Ancheta Elementary School, Barangay Limulan, Kalamansig nito lamang ika-16 ng Abril 2024
Katuwang sa aktibidad ang mga MDRRMO, Kalamansig MPS, BDO, Pribadong mga Entidad, Sektor ng Relihiyon, BFP, KALWADI, Goodlife Damayan, Hukbong Katihan ng Pilipinas, Karancho, MSWDO, RHU, Kalamansig SUKELCO, Gamma Epsilon Fraternity, BLGU Cadiz at BLGU Limulan.
Tampok sa aktibidad ang pamamahagi ng mga food packs, feeding program at hygiene kits na naglalaman ng toothpaste, toothbrush, sabon, at tuwalya.
Isinagawa rin ang mga larong palaro kung saan mga kendi, tsokolate, at biscuit ang ipinamimigay bilang premyo sa mga aktibong kalahok.
Tinalakay din ang tungkol sa NTF-ELCAC na suportahan ang kampanya ng PNP sa pag-iwas sa krimen at laban sa ilegal na droga at suportahan ang mga programa upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan at kaayusan sa pamayanan.
Ang pagsasabuhay ng panawagang “Sa Bagong Pilipinas, ang Gusto ng Pulis, Ligtas ka!” ay nagpapakita ng pangarap na magkaroon ng bansa na pinapangunahan ng isang kapulisan na tunay na naglilingkod at nagmamalasakit sa kapakanan ng bawat Pilipino.
Panulat ni Arki