ELCAC Service Caravan matagumpay na naisagawa
Nakiisa ang Revitalized Pulis sa Barangay Team sa isinagawang Outreach Program sa pamamagitan ng ELCAC Service Caravan sa Barangay Bobuan, Bayog, Zamboanga del Sur nito lamang Ika-15 ng Abril 2024.
Ang nasabing aktibidad ay may kaugnayan sa isinagawang Community Visitation at Community Engagement na pinangunahan ng Revitalized Pulis sa Barangay Team ng Zamboanga del Sur 2nd Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni Police Major Marlon C Mangan – Nay Officer-In-Charge kasama ang mga Barangay Officials ng Bobuan sa pamumuno ni Hon. Marciano Duran.
Ang nasabing barangay ay kabilang sa Geographical Isolated Disadvantage Areas (GIDAs) kaya isa ito sa mga naging konsiderasyon kung bakit napili ang nasabing barangay na mabigyan ng munting regalo.
Nagkaroon ng libreng rehistro sa PSA, Solo Parent registration, serbisyong medikal pamamahagi rin school supplies, tsinelas, para sa mga bata, seedlings, libreng gupit sa mga residente, libreng PWD registration para sa mga PWDs at libreng tuli hatid ng Bayog Rural Health Unit, libreng animal vaccine para sa alagang hayop at pamimigay ng mga food packs na labis na ikinatuwa ng mga benepisyaryo.
Layunin ng aktibidad na maipabatid sa mga residente na patuloy ang paghahanap ng paraan ng ating mga kapulisan kaakibat ang mga programa ng pamahalaan upang makapaghatid ng tulong malayo man o malapit tungo sa mas ligtas, masaya, at maunlad na Bagong Pilipinas.