Coastal Clean-up Drive ng PNP, dinaluhan ng KKDAT

Dinaluhan ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) ang isinagawang Coastal Clean-up Drive ng mga kapulisan ng Barobo Municipal Police Station kasama ang mga opisyal ng barangay na isinagawa sa baybayin ng Barangay Rizal, Barobo, Surigao del Sur bandang 1:14 ng hapon ng ika-13 ng Abril 2024.

Isinagawa ang aktibidad sa pagtutulungan ng mga KKDAT, BPATs, kapulisan at mga residente ng barangay upang maglinis ng mga basura at debris na nakakalat sa baybayin.

Layunin ng aktibidad na ito na magbigay ng kamalayan sa mga residente hinggil sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan at pagbabawas ng plastic pollution.

Sa bawat hakbang tungo sa isang mas malinis at maayos na kalikasan, ang bawat indibidwal ay nagtataguyod ng pagbabago at pagpapahalaga sa kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *