BPATs nakiisa sa Clean-up Drive at Road Clearing operation
Nakiisa ang Barangay Peacekeeping Action Teams sa isinagawang Clean-up drive at Road Clearing operation sa Barangay Ponggo, Nagtipunan, Quirino nito lamang ika-18 ng Abril 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PCMS Andy B Castillo, CCAD PNCO ng 2nd Quirino Provincial Mobile Force Company ng Quirino Police Provincial Office, kasama ang Nagtipunan Police Station at iba’t ibang sektor ng komunidad kabilang ang Barangay Peacekeeping Action Team, Barangay Health Workers, Barangay Officials ng Barangay Ponggo, Nagtipunan sa pamumuno ni Hon. Marcial B. Cumlat, Punong Barangay.
Ang mga nakolektang basura ay pinaghiwalay at dinala sa Material Recovery Facility upang maproseso at muling magamit.
Ang pagsasagawa ng ganitong gawain ay nagpapakita ng pakikiisa ng mamamayan sa pangangalaga ng kalikasan at pagtugon sa pangangailangan ng komunidad.
Sa pamamagitan ng mga ganitong hakbang, ang BPATS at ang lokal na pamahalaan ay patuloy na nagsasagawa ng mga aksyon upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa kanilang mga komunidad, habang nagtataguyod ng kamalayang pangkapaligiran sa kanilang mga mamamayan.
Source: Secondpmfc Qppo