KKDAT Sablan, nakiisa sa outreach program

Aktibong nakiisa ang Kabataan Kontra Droga At Terorismo Sablan Chapter sa isinagawang outreach program sa Yabyabuan Multigrade School, Bagong, Sablan, Benguet nito lamang ika-17 ng Abril 2024.

Ang aktibidad ay nilahukan ng Barangay Peacekeeping Action Teams kasama ang Sablan Municipal Police Station, Cordillera Eagles Pro 1, La Trinidad Valley Eagles Club, at Bagong Barangay Local Government Units.

Tampok sa aktibidad ang pagsasagawa ng lecture, feeding program, at pagbibigay ng mga regalo sa mga mag-aaral at guro ng naturang paaralan.

Ang nasabing aktibidad ay alinsunod sa kasalukuyang administrasyon na naglalayong magkaisa at magtulungan upang mabuo ang isang bansa na tumutugon sa mga komunidad at humuhubog ng mas maaasahang kinabukasan para sa lahat ng mamamayan tungo sa Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *