Provincial Advisory Groups at Philippine Red Cross, nakiisa sa Bloodletting Activity
Aktibong nakilahok ang Provincial Advisory Groups at Philippine Red Cross sa isinagawang Bloodletting Activity ng Police Provincial Strategy Mangement Unit (PPMSU) Bulacan na ginanap sa Camp General Alejo S Santos, Barangay Bulihan, City of Malolos, Bulacan nito lamang ika-18 ng Abril 2024.
Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng Police Provincial Strategy Mangement Unit (PPMSU) Bulacan sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Christian B Alucod, Chief ng nasabing yunit katuwang ang Provincial Advisory Group, Red Cross Bulacan Chapter, at iba pang mga kapulisan ng Bulacan at stakeholders.
Ang aktibidad ay may temang “Save Life, Be A Hero” na may tinatayang dalawang daang (200) boluntaryong donors ang matagumpay na nakapasa sa proseso ng screening at nakamit ang mga pamantayan sa kwalipikasyon na itinakda ng Philippine Red Cross.
Layunin ng programang ito na makapagbigay ng dugo sa ating mga kababayang may sakit na lubos na nangangailangan.
Ang PNP ay patuloy sa mga ganitong programa upang maipakita ang tunay na malasakit, at pagmamahal sa kapwa alinsunod sa adhikain ng ating Pangulong Bongbong Marcos para sa “Bagong Pilipinas”.
Panulat ni Mildred Tawagon