Serbisyong Iliganon Caravan 2024, isinagawa

Libreng serbisyo ang patuloy na hatid ng LGU-Iligan kasama ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno katuwang ang Iligan City PNP sa isinagawang Serbisyong Iliganon Caravan sa Barangay Kiwalan, Iligan City nito lamang ika-18 ng Abril 2024.

Matagumpay na idinaos ang programa na aktibong nilahukan ng City Health Office, PSA, 2nd Mechanized Brigade, 4th Mechanized Infantry Battalion, Bureau of Fire Protection, DOLE, PhilHealth, TESDA, SSS kasama ang Iligan City Medical Team na pinangungunahan ni Police Colonel Reinante B Delos Santos, City Director ng Iligan City Police Office.

Namigay din ng libreng punla, police clearance, food packs, tuli, at mga libreng gamot.

Nagpapatunay lamang ito ng pagkakaisa ng iba’t ibang sangay ng gobyerno upang maipadama sa mga residente ang labis na suporta at malasakit.

Reena Celestine Sendrijas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *