KKDAT, lumahok sa Walk/Run for A Cause
Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Ifugao Chapter sa Walk/Run for a Cause sa Barangay Viewpoint, Banaue, Ifugao nito lamang ika-20 ng Abril 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng 2nd Ifugao Provincial Mobile Force Company (2nd Ifugao PMFC) kasama ang Banaue Municipal Police Station, 1501st Regional Mobile Force Battalion, Banaue Bureau of Fire Protection, katuwang ang mga miyembro ng Municipal Local Government Unit at iba pang volunteers.
Ang mga nasabing grupo ay matagumpay na natapos ang Walk/Run for a Cause mula sa So. Teger, Barangay Viewpoint, Banaue, Ifugao hanggang So. Puwar-Hiwang at tumungo sa Barangay Viewpoint Hall kung saan naman ginanap ang Zumba Dance.
Ang nalikom na pinansyal ay mapupunta sa isang pasyente mula sa nasabing barangay na may end stage renal disease na sumasailalim sa Hemodialysis upang makatulong sa kanyang medical na gastusin.
Patuloy ang Pambansang Pulisya at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa paghahatid ng serbisyo at pagbibigay ng tulong sa mga mamamayan lalo na sa mga higit na nangangailangan.