LGU Daraga, nagsagawa ng “Arangkada Banwa Serbisyo Caravan”
Nagsagawa ng “Arangkada Banwa Serbisyo Caravan” ang lokal na pamahalaan ng Daraga sa pakikiisa ng mga iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kabilang na ang PNP Daraga para sa mga residente na ginanap sa San Ramon Covered Court, Barangay San Ramon nito lamang ika-19 ng Abril 2024.
Sa nasabing aktibidad, ang mga serbisyo na ibinigay ng Pamahalaang Lokal ng Daraga at iba pang opisina ng pamahalaan sa mga residente ng Barangay San Ramon at Barangay Canarom, ay ang mga sumusunod: rehistrasyon ng kapanganakan, aplikasyon para sa lisensya sa kasal, aplikasyon para sa sedula, rehistrasyon para sa senior citizen, PWD at solo parent, konsultasyon sa isyu ng lupa, aplikasyon para sa koneksyon sa kuryente, recruitment para sa lokal na trabaho, konsultasyon legal, mga programa para sa kabuhayan, at iba pang libreng serbisyo.
Samantala, naglaan din ang Daraga PNP ng HELP DESK na tumutugon sa rehistrasyon para sa National Police Clearance, at tulong ng pulisya para sa mga OFW, IPs, Foreign National Concern, Women and Children Concern, Gender Based Violence Concern, Tourist Concern at Environmental Concern at iba pang mga isyu, reklamo, at katanungan sa pampublikong seguridad.
Nagsagawa din ang Daraga PNP ng information drive at namigay ng mga pamplet/IEC materials tungkol sa Kampanya Laban sa Ilegal na Droga, ELCAC, RA 11313, RA 8353, RA 9262, EO70 ELCAC, Crime Prevention at mga Tip para sa Kaligtasan.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayong magbigay ng tulong sa ating mga kababayan tungo sa kaunlaran, kaayusan at kapayapaan ng komunidad.
Source: Daraga MPS
Panulat ni Brian B Imperial