BPATs nakiisa sa Coastal Clean-up drive sa Cagayan

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peace Action Teams sa isinagawang coastal clean-up drive sa Barangay Batangan, Gonzaga, Cagayan noong Abril 20, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni PMSg Rohean Baclig, Chief WCPD PNCO ng Gonzaga Police Station kasama ang Barangay Peace Action Teams, Barangay Officials at mga residente sa naturang lugar.

Layunin ng aktibidad na itaguyod ang halaga ng disiplina at kalinisan na magtataguyod ng kagandahan ng nasabing barangay, bilang suporta sa PNP Lingkod Bayanihan, EO70, at PNP Makakalikasan.

Ang BPATs ay patuloy ang pakikiisa at pakikipagtulungan sa Lokal na Pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa kanilang komunidad habang nagtataguyod ng kamalayang pangkapaligiran sa kanilang mamamayan.

Source: Gonzaga Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *