Project Buhay Kalikasan 2024 inilunsad ng San Francisco Water District
Inilunsad ang Project Buhay Kalikasan 2024 ng San Francisco Water District kasama ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) at iba pang mga organisasyon na sumuporta at sumali sa naturang aktibidad na isinagawa sa Mt. Magdiwata sa bahagi ng Bayugan-2 Creek, Barangay Bayugan 2, San Francisco, Agusan del Sur noong Sabado, Abril 20, 2024.
Umabot sa 200 punla ng narra ang itinanim ng hindi bababa sa 70 na mga indibidwal sa lugar kung saan nagkaroon ng landslide sa Mt. Magdiwata.
Tunay lamang na likas ang pagiging makakalikasan ng mga KKDAT sapagkat sila ay handang maglaan ng kanilang oras sa kahit saan o ano man na aktibidad.
Layunin ng programang Project Buhay Kalikasan 2024 ay para tugunan ang isyu ng reforestation sa mga lugar na nakaranas ng pagguho ng lupa at upang mapanatili ang magandang kalidad ng inuming tubig na ginagamit ng mga residente ng bayan ng San Francisco.