BPATs, sumailalim sa Skills Enhancement Training

Sumailalim ang mga miyembro ng BPATs ng Barangay Calintaan at Calayuan sa isinagawang Skills Enhancement Training na pinangunahan ng Matnog Municipal Police Station na ginanap sa Matnog, Sorsogon nito lamang ika-22 ng Abril 2024.

Tinalakay ng mga tagapagsanay sa nasabing aktibidad ang tamang pamamaraan ng pag-aresto, handcuffing, self-defense at pagtugon sa anumang sakuna at kalamidad sa kanilang nasasakupan. 

Ang nasabing aktibidad ay naglalayong magbigay ng kasanayan sa mga miyembro ng Force Multipliers upang magkaroon sila ng mga kaalaman na kapaki-pakinabang sa kanilang tungkulin upang mas mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa komunidad na kanilang nasasakupan.

Photos Credit/Source: Matnog MPS, Sorsogon PPO

Panulat ni Brian

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *