Coastal Clean-up Drive, isinagawa ng Advocacy Support Group

Nagsagawa ng Regular Monthly Coastal Clean-up Drive ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa Cabaling Coastal Area, Espinosa, Jordan, Guimaras nito lamang ika-26 ng Abril 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office katuwang ang kapulisan ng Guimaras Police Provincial Office at ibang mga ahensya ng gobyerno.

Mahigit sa sampung sako ng basura ang nalikom ng mga kalahok sa naturang baybayin para panatilihing malinis ang karagatan na isa sa mga dinadayo ng turista sa ating bansa.

Layunin ng aktibidad na panatilihin ang kagandahan ng kapaligiran, gayundin ay upang maiwasan na makontamina ng kemikal ang tubig dagat na maaaring magdulot ng polusyon sa tubig.

Source: Jordan MPS

Panulat ni Pat Julius Sam Accad

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *