BPATs Training, isinagawa

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams sa isinagawang pagsasanay ng kapulisan ukol sa handcuffing techniques sa Barangay Ameligan, Pontevedra, Capiz nito lamang ika-28 ng Abril 2024.

Ang naturang pagsasanay ay pinangunahan ng mga tauhan ng Pontevedra MPS at dinaluhan ng mga Barangay Officials at BPATs na kung saan ay itinuro sa mga kalahok ang tamang pagpoposas.

Layunin ng aktibidad na bigyan ng karagdagang kaalaman ang mga kalahok para maiwasan ang posibleng pinsala sa lahat ng mga partido na kasangkot at mapababa rin ng panganib ng pagtakas o paglaban ng mga suspek sa krimen.

Patuloy ang grupo sa pakikilahok sa mga ganitong aktibidad na makakatulong sa kanilang trabaho para sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa kanilang nasasakupan.

Source: Pontevedra Capiz Pulis

Panulat ni Julius Sam Accad

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *