Bloodletting Activity, isinagawa ng Philippine Red Cross
Nagsagawa ng Bloodletting Activity ang Philippine Red Cross-Laguna Chapter na ginanap sa Covered Court Camp General Paciano Rizal Barangay Bagumbayan, Sta. Cruz, Laguna nito lamang ika-30 ng Abril 2024.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng SALAAM Police-Advocacy Group, BPSO-Laguna, Criminology interns, NUPs at ang mga kapulisan ng Laguna PPO sa pamumuno ni PCol Gauvin Y Unos, Provincial Director ng Laguna PPO.
Ang nasabing aktibidad ay may temang “Dugong Handog ng Kapulisan, Dugtong Buhay para sa ating Kababayan!” na naglalayong makalikom, makatulong at makapagbahagi ng libreng dugo sa mga pasyenteng may malalang karamdaman at nangangailangan ng dugo upang madugtungan ang kanilang buhay at maibsan ang alalahanin ng kanilang mga pamilya.
Patuloy sa paglilingkod at pagpapaabot ng tulong ang iba’t ibang ahensya ng gonyerno para sa ating mga mamamayan bilang pagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa at pagpapahalaga sa buhay ng ating kapwa, upang maging maunlad, produktibo at matiwasay ang ating pamumuhay tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: RPCADU 4A