Mandaluyong Advocacy Support Group nakiisa sa Community Outreach Program ngayong Labor Day
Nakiisa ang Mandaluyong Advocacy Support Group sa isinagawang Community Outrech Program bilang paggunita sa Labor Day Celebration na ginanap sa Blk 40, Barangay Addition Hills, Mandaluyong City nito lamang Miyerkules, ika-1 ng Mayo 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Mandaluyong City Police Station kasama ang JTF-NCR at Barangay Addition Hills Officers.
Nagkaroon ng libreng gupit at pamamahagi ng masustasyang pagkain. Kasabay din nito ay ang pagbibigay kaalaman sa mga lumahok patungkol sa Drug Awareness, ELCAC, Republic Act 11313 na kilala rin bilang Safe Spaces Act at Fire prevention Awareness.
Ito ay isa lamang sa mga paraan ng gobyerno katuwang ang mga Advocacy Support Group at Pulisya upang maghatid ng mga serbisyong nararapat sa ating mga kababayang kapus-palad para sa lipunang maunlad at masagana tungo sa Bagong Pilipinas.